REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Melow Jane Cabaya, CPA

May 2025 CPALE Passer

Urdaneta City University

CANCER SURVIVOR IS NOW A CРА! 2020 palang po nadiagnosed na ako na may toxic goiter, hanggang sa matapos ko ang BSA ay regular po ang check up ko. Sinabi ko nun kung magkakaroon ako ng chance para magreview, gusto ko po talaga sa REO. Nagkaroon nga po ako ng chance at hinding hindi ako nagsisi na sa REO po ako nag enroll, mula sa pre rec videos tinapos ko po yun nung unang review ko, kinulang lang po siguro ako sa mastery kaya kinulang din po yung average ko, simula batch 5 ay REO reviewee po ako, hanggang batch 7 sa REO parin po ako nag enroll dahil yung mga way po ng mga reviewer kung paano magsolve o atakihin yung problem ay talagang iyon po yung naiintindihan ko, hanggang nung 3rd take ko po May 2024 kinulang po ulit yung average ko 73.17%. 1 month po after nang result ay nalaman ko naman na may thyroid cancer na po pala ako, sa kagustuhan kong maipasa ang exam nagfile padin ako for Oct2024, pero naoperahan po ako ng august at kinailangang mag therapy. Kaya hindi ko na din po tinuloy yung Oct. exam... Hanggang ngayong last na take ko ay sa REO pa din ako, pati refresher ay REO padin, dahil naniniwala akong REO ang magiging daan para maging CPA ako. Grabe din po yung pagiging supportive po ninyo talaga sa mga reviewee ninyo... Wala na po akong ibang materials na ginamit, inulit ulit ko lang pong sinagutan yung mga monthly assessments at preboards na parang mga tanungan sa actual boards ngayong May2025.... Maraming salamat po talaga sa REO. Cancer free na po ako at finally isa na sa mga REO CPAS