REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Ron Matthew D. Amago

Oct 2025 CPALE Passer

January 2025, nagenroll ako sa REO. Nagstart magreview kasabay yung asawa ko na nagreview sa kabilang RC para mamaximize namin yung mga resources na meron kami. Sobrang hirap bumalik sa pag-aaral at magfocus lang sa pagrereview kasabay ng pagttrabaho at pagaalaga sa anak namin, pero anlaking tulong po ng REO sa journey naming makapasa sa CPALE. Maraming salamat sa REO dahil sa mga review programs nyo. Sobrang na-Appreciate ko po yung Tracker na tumulong saking mamonitor kung ano na yung mga natapos ko at gumawa ng schedule na magfifit sa schedule ko. Salamat po sa quizzers na pagkarami-rami na pinipilit kong matapos sagutan lahat kahit sobrang dami, mamaster lang yung mga topics na nalampasan ko na. Salamat po sa quickvids na ginamit kong pang-recall sa mga topics. Salamat po sa pre-recorded videos nyo, nakakaoverwhelm pero worth-it tapusin para madaanan yung mga part na hindi na nababanggit sa live lec. Sobrang salamat po sa lahat ng reviewers, Kay sir Karim (No brainer!) , sir Louie & Ms. Dyan, sir Rhad (Mr. common error) ,sir Vhinson, sir Nicko (Solid po ng pre-week nyo sir!), sir Kris (IDOL) ,Ms. Diane, sir Mark (EUP :D), sir George (lagi kong inaantay sa live lec yung sinasabi mong ("Malapit na kayong maging CPA!") , sir REX (literal na POWER, sobrang lakas nyo po :D) at kay sir Wency, sobrang salamat po kitang kita ng diyos lahat ng kilos nyo. Wag po kayong magsawang magbigay ng inspirasyon at lakas sa iba! Thank you REO. Yung dating estudyanteng laging napagkakamalang CRIM student, CPA na po! Certified REO baby! :D Salamat po!