REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Regner A. Torralba

Oct 2025 CPALE Passer

Grabi malaking pasasalamat ko po sa REO, I'm just an average student pero kinaya po ng utak ko yung 5 months na review. I'm transferee from 1 school to another school, wala pong tumatanggap sa akin pag transfer ko kasi napakababa ng grades ko during pandemic po kasi wala na gana mag aral kaya nag work nalang. Yung alma matter ko lang ngayon yung tumanggap sa akin, at marami talagang nag sasabi na tambakan ito ng mga bagsak sa BSA program from different schools. Hindi po talaga maganda yung turo ng schools at di gaanong strict maraming cheating kaya walang natututunan studyante importante lang pumasa, to make it short gagraduate ka talagang walang alam. Sa review center ko lang talaga natutunan halos lahat ng mga sinagot ko sa board exam though may mga baon naman akong knowledge during undergrad I think 10% lang yata. Hindi talaga ako nag expect na papasa ako 32 kami nag take from our school, dalawa lang kaming pumasa. Kaya bless ako na napili ko yung REO grabi yung support pati mental conditioning at life experience, motivations sine share talaga ng mge reviewers, hindi talaga naging madamot ang REO from materials to real life knowledge pinapabaon talaga, at parang pamilya ang turing sa isat-isa.