REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Jessa G. Hilario

Oct 2025 CPALE Passer

Disclaimer: Long message ahead. Salute po sa inyo. Sobrang gagaling po ng mga reviewers nyo! It feels surreal pa din. Isa po ako sa mga nagattempt nung October 2019 CPALE na ang national passing rate ay 14.32% lang. At ngayon lang nagkalakas loob na magtake ulit. Dalawang beses na ko nagreview sa ibang RC pero di ako nagtetake kasi sobrang demanding ng work ko sa oras, nahirapan ako pagsabayin at di ko din natatapos ang review. Nung nakapagdecide ako na magresign sa work ko na 5 yrs at ipursue na talaga yung title at makapagfocus na sa review, nakilala ko kayo. Naniniwala ako na blessing kayo sakin ni Lord. Grabe yung timing Nya. 3 months na lang meron ako nung nakapagresign. At iaassess ko pa lang kung anong best na sistema gagawin ko. The first month, I prioritized mastery kahit mabagal. Sinasabi ko sa sarili ko okay lang kahit mabagal ang mahalaga pag binalikan ko ulit master ko pa din, I tried reading books, magsagot ng mga problems sa libro, balikan yung dating review materials ng past RC ko aside sa mga inooffer ni REO, sinulat ko lecture notes sa notebook as part of mastery, nagpre rec ako, live lectures, quickvideos na sinulat ko din sa index card, every week nagrerecall ako bago ako magsagot ng exercises. Di ako nakasabay sa first preboard kasi sobrang konti pa lang talaga naaaral ko na covered ng 1st preboard. I had my own timeline and schedule. Pagpasok ng 2nd month kinabahan na ko kasi ang naaaral ko pa lang ay coverage ng 1st monthly assessment at yun pa lang din nasasagutan ko na monthly assessment. Sabi ko need ko baguhin routine ko kasi kulang na talaga sa oras kaya ang ginawa ko nagfocus na lang ako sa review materials ni REO. Same pa din, sulat ng lecture notes sa notebook, pre rec, live lectures, quickvideos na sinulat ko din sa index card, every week nagrerecall pa din ako bago ako magsagot ng exercises, then monthly assessment. Comes the 3rd month which is month na ng exam pero ang tapos ko pa lang hanggang 2nd monthly assessment. Inadjust ko na naman routine ko. Quickvids tas sulat sa index card na lang ginagawa ko then live lecture para lang magkaidea bago maglive lecture, bago sagutan yung questions sa handouts pinopause ko muna para ako muna makapagsagot. By this time, pinrio ko naman coverage ng 1st preboard para makapagsagot na din. Pero kulang pa din talaga. 2 weeks na lang before exam bago ko natapos sagutan first preboard. Di na ko nagsusulat sa index card, nanonood na lang ako quickvids tas live lecture hanggang mag 2 days before exam naaa. Sobrang kapos sa time talaga. Ang dami ko pang di naaaral. Asa na lang sa quickvideos yung mga di ko pa naaral habang nagsasagot monthly assessment. Di ko na din nasagutan yung final preboard at preweek kahit sulyap wala. Mismong exam na nagccram pa din akoo. 1st day 3 hrs lang tulog ko, 2nd day 2hrs, 3rd day literal na walang tulog akong nagexam. Pero wag tularan, may iniinom lang ako kaya ko nasurvive yan nang composed pa din ang utak. Kaya sa mga nakakapagreview ng full time at focused all throughout. Please wag nyo itake for granted, madami kaming nangarap at nangangarap nyan. Maging thankful kayo kasi sobrang hirap ng kahit nasa byahe, naliligo, nakain at minsan natutulog (nakapikit lang pero may diwa) nagaaral pa din, nakikinig pa din ng lectures. Pero naniniwala ako sa lahat ng paghihirap at sakripisyo natin ipapasa at ipapasa pa din tayo ni Loord! Grabe yung feeling. Sobrang sayaa. The best decision talaga. Sobrang thank you sa REO at dumating kayooo.