REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Vallerie Anne D. Hidalgo

Oct 2025 CPALE Passer

As promised to myself when I started my review journey - that if papasa ako, I will definitely make a testimony, BECAUSE I KNOW HOW IT FEELS to be lost at first: on how to start, how to adapt to a new place, new environment, new faces, and a new setup. I also want to help others get through their “what ifs.” To share my experiences because I know how everything is blurry at first because I've been there too. Ang hirap makuha ang momentum, ang mag-settle, especially if hindi ka sanay na malayo sa family. So here’s the story: I graduated in May 2025 from a state university. I know to myself na yung foundation ko is weak dahil pandemic babies kami, and hindi namin nacover lahat ng topics, especially sa ibang subjects. That’s the reason why wala talaga sa initial plan ko na mag-take ng October 2025 CPALE, dahil I know na five months of review is not enough. I mean, imagine - yung inaral mo for 4 years, aaralin mo lang in five months? Kaya ayaw ko talaga kasi napakaimposible. Pero due to pressure from my family and since full support naman sila sa gagastusin ko, sabi nila na para daw fresh pa sa utak yung mga na-aral ko sa undergrad. It's hard for me to make them understand na iba ang CPALE sa ibang board exam course. At first, pinilit ko na ayaw ko talaga because malabo eh, pero eventually I agreed. Tinapangan ko kahit super takot at negative ang thinking ko dahil full support nga sila, and whatever the result daw, basta itry ko lang. So, wala akong pinagsabihan kahit kanino, even my friends & professors who asked me dahil ayokong madagdagan ang pressure na buhat buhat ko. (Sorry po). I didn't post anything too. I keep it all to myself which makes my review journey more harder dahil wala akong mapag rant an haha. Supposedly, sa Manila ako magre-review, pero I got scammed while looking for a boarding house online, kaya ang ending ay sa Baguio. It was my first time to live away from home, kaya sinamahan ako nila Mama ng one week sa boarding house ko. Pero after they went home, umuwi rin ako kasi di ko talaga kinaya ang homesickness 😭 Grabe, di ako makafocus kasi iyak ako nang iyak, at nasasayangan ako sa mga araw na lumilipas. So I decided to go home. Pero they advised me to go back, so bumalik ako kahit sobrang iyak ko nun. After a month, I got used to it. Mag-isa lang kasi ako sa boarding house, kaya sobrang lonely. I only got my momentum after a month. And yes, nag-KK-drama din ako from time to time during my review, haha! Ang hirap alisin ng addiction kaya dpat sa undergrad pa lang, i condition niyo na mga sarili niyo😁 Fast forward: I chose REO as my review center dahil ever since undergrad, nakaabang na ako sa mga free webinars nila, sample vids sa YouTube, at free access ng app nila. Almost lahat ng free vids ng REO pinanood ko talaga - and super effective siya for me. At first, I only used their pre-recorded vids dahil zero-based siya, but then I also discovered the beauty of Livelec and Quickvids. Mali sila! REO IS NOT “SAPAT LANG”, SOBRA-SOBRA PA SIYA! 😭🥹😍 As in! Hindi lang kasi for the sake na pumasa ang goal nila - but also to produce effective future professionals. Depende na lang talaga sa’yo kung paano mo siya ita-take, i-reretain, at didiskartehan kung anong combination ang gagamitin mo dahil lahat powerful. You only need to discover them first and then select the best combination that fits your study habits, time, and preferences. No need to take or watch all. Walang mas lamang - lahat may substance. So no need to worry kung di mo matatapos lahat, dahil di mo talaga kakayanin, beh! Haha. Unless siguro more than a year ka magre-review (possible, but I doubt). Ang daming quizzers and monthly assessments - magsasawa ka, teh! Pero for me, first monthly assessment lang nagawa ko, some quizzers, first pre-board, and two subjects of the final pre-board dahil kinulang ako sa time. Nasa completion phase pa kasi ako week before BE, kaya inalay ko na lang other topics kahit masakit sa damdamin. Hindi na ako naka-final pre-board ng other subs and pre-week. Actually malapit na din ako magdefer, nasabi ko kay mama ng pajoke pero kinoconsider ko tlga dahil dko na ma recall lhat ng topics and dkopa tapos lhat pero sabi niya bsta gawin mo lang. Pinag pray2 ko na lang lagi na huwag hirapan ng taga BOA ang mga tanong and taasan ang passing rate. NOW I CAN SAY, BUTI NA LANG TINAPANGAN KO and THANKFUL SA MGA TAONG NAGPUSH sakin to continue, na KAKAYANIN KO. Sabi nga ng REO, "You’ll Never Feel Ready. Because Being Ready Isn’t a Feeling. It’s a Decision" , and Im glad I chose to take the risk. Aside from REO materials, I also used yung book ni Sir Rex sa Tax dahil nasasabayan ko yung discussion niya through his book. Basta ang masasabi ko lang po, SALAMAT sa bumuo ng REO! Ang laking tulong niyo po sa mga kagaya naming nangangarap pero may duda kung kakayanin. Salamat din po to all REO Fam, napaka-supportive niyo po. Walang mintis sa mga response sa queries, at hindi kayo nagkulang sa mga words of wisdom niyo. Ang gagaling ng mga reviewers , they are indeed masters of their own topics. Grabeee! 🫡 May you continue to strive more, and God bless you, whole REO Fam. It’s the results that SPEAK LOUD FOR YOU. 🤍🫡 Don’t be discouraged also if hindi mo nabebeat ang mga schedules mo, haha! Dahil ako, seriously, ilang adjustments ang ginawa ko sa schedule ko kasi di talaga keri. For the first three months, I reviewed for 8 hours a day. Pagpatak ng 10 p.m., pumapasok na ako sa kwarto dahil natatakot ako, haha! But then, two months before the actual board exam, I studied 12–15 hours a day. Di niyo naman kailangang gayahin ang iba, you know yourself more and how you study. Just make adjustments if you see that it’s not effective. Pero make "recalling" a habit. Huwag nyo akong gayahin na nagcram magrecall dahil akala ko naretain sa utak ko dahil gets na gets ko sya nung time na inaaral ko. Ang hirap ng review journey, nakakaubos ng sarili, nakakabaliw, nakakatulala (buti hindi ako natuluyan🤣). Walang araw na hindi ako umiyak dahil parang sasabog na ang utak ko sa dami ng information need iprocess every single day for how many hours😭. Literal na pagtulog na lng ang pahinga. Kaya, my heart also goes to the 65.98% who didn't make it, your feelings are valid dahil grabe ang hirap na dinanas nating lahat. But pls. be strong and don't give up. It may not be your time for now but eventually, It will all be worth it in the end. 😇 P.S. Sa mga kagaya ko noon na nagtatanong kung kakayanin ba ng 4 months? 5 months? YES, KAKAYANIN YAN with REO. Trust your RC, dahil diyan ka nag-enroll. No need to rely on other materials or mag-hoard ng review mats, dahil maguguluhan ka lang and wala ka dn time dahil REO mats pa lang ubos na oras mo. It’s the concepts that matter, not the structure of questions. Kagaya niyo rin ako noon, tambay sa mga groups, seeking validations kung kakayanin. Take it from me, kinaya ko. Kaya niyo rin ‘yan. Just give your best. Don’t forget to pray, pray, pray, and entrust everything to God. He will not forsake you. During my review until may results, I only asked God for a 75% average pero sobra sobra pa binigay niya. Indeed, nothing is impossible with Him , but make sure that you do your part, too. 🙏✨ It’s not just me or REO — it’s God who made this brave soul pass one of the hardest board examinations despite the limited time. All glory to Him! 😇🙏