REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Shaira T. Collado

Oct 2025 CPALE Passer

May 2019 pa ang first take ko, and honestly, mahirap makabalik sa dating drive ng review after 6 years considering na working reviewee ako at may inaasikaso pang tindahan. REO helped me in so many ways. Naging bearable ang review hindi lang dahil sa option na mag-review online, pero yung detailed na discussion at inspiring na reviewers ang nakatulong sa akin. Naka ilang “ay, ganun lang pala ‘yun?!” ako habang nanonood. Mahina ang foundation ko ng undergrad, halos lahat naman siguro, ganun, kaya laking tulong ng REO dahil pinagtibay nya ang foundation ko at dinaig pa ang flood control (eme not eme). Tyinaga ko ang mga pre-rec kahit 4 hours max lang ang review ko every day (after lang ng work), at minsan ay hindi rin nakakareview ng weekends dahil busy din sa tindahan. Ang dami ko ring biniling libro at reviewers pero lahat ng yun inalikabok na yata. Salamat, REO team dahil marami akong naipong bala ‘nung CPALE. Hindi man ako nakakuha ng sobrang taas na average, nakita ko naman ang improvement ko and I must say “glow up” ng grades ko. Kung alam nyo lang! Maraming maraming salamat po, at hindi ako magsasawang sabihin na REO lang, sapat na!