REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Cayla Jazmyne C. Espineli

Oct 2025 CPALE Passer

Nasa punto na ko ng life ko na kung hindi pa din ako papalarin makapasa, tatanggapin ko ng hindi para sakin 'to. Maraming beses din na naiisip kong, hindi pa 'ko ready ulit magtake, kulang na 'ko sa oras, hindi ko pa namamaster lahat ng topic, what if magdelay ako ulit? Pero sabi nga ni sir GJ, walang pumasa na hindi nagtake ng CPALE and, at the same time, hindi ka naman talaga magiging 100% ready kaya yung faith natin kailangan din talaga natin samahan nang lakas ng loob. The CPALE tested not only my ability and knowledge but also, most importantly, my faith. Lagi kong nireremind ang sarili ko na hindi ko kontrolado lahat. Hindi ko kontrolado kung anong mga tanong ang lalabas sa BE or kung lalabas ba yung mga inaral ko pero hindi para ipressure yung sarili ko kundi para iremind yung sarili ko na, let go and let God🫶🏻. Thank you REO! Hindi niyo lang po ako tinulungan maging CPA, madami din akong natutunan sa inyong lesson sa buhay kaya salamat din po sa pag share ng wisdom. 🫶🏻 REO lang sapat na sapat na. Sobra-sobra pa lezzgo!