REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

(KEEP ME ANONYMOUS)Jonah Belle Ostan

Oct 2025 CPALE Passer

I graduated July 2024 and took the May 2025 CPALE. As first time taker pa lang, para sa akin, imposible na talaga for me makapasa kasi di naman ako katalinuhan. But enrolling in REO, napadali pag gasp ko ng concepts and sa REO is sobrang flexible ng pag aaral ko kasi maraming options for reviewees like pwede ka mamili if sa pre-rec ka mag fofocus, sa live, o sa quick vids. Hanggang nag start na yung year 2025, nawawala na pakonti konti yung thought na ang “imposible” nya for me. Naisip ko rin kasi na walang magagawa kung negative ka, kaya I turned it to positive kaysa mas lamang yung self doubt. Hindi ako matalino, 800+ ang ranking ko both PB’s sa REO. Here comes the May 2025 CPALE, 1st day pa lang alam kong ligwak na MS ko. Then nung 3rd day, after FAR, alam kong ligwak na rin ako pati FAR kasi dun ako pinaka hindi kampante sa mga subs na natapos ko na. So, nag karoon ako ng thinking nun na baka pwede pa ako ma-condi kasi di na talaga kaya ng “passed”. Edi nag pray ako nang mataimtim during breaktime na sana ibigay na sa akin yung last sub (AFAR) para ma-condi pa ako. God knows, di ko na kakayanin another review dahil hindi naman stable ang mental health ko, mahina ako. Then ayun, results came, wala ako sa list of passers. Kinaumagahan, sinabihan agad ko ng tatay ko na maghanap kaagad ng review center. Ayaw nila ako pagtrabahuhin or pahingahin, gusto nila lisensya muna, take lang ng take. Based sa performance ng school namin, 2 passed, 1 condi, 10 failed. TBH, hindi na ako umasa na ako pa yung nag iisang condi na yun dahil maraming nag aasam para sa iisang seat ng condi. Then nung pwede na makita yung ratings, gulat na gulat ako na ako yung nag iisang condi na yun. The Lord granted my request sa 3rd day breaktime, binigay nya yung last sub na makakapag condi pa sa akin, AFAIK, AFAR pa nun yung maraming error. So nag review ako ulit for my 2 condi subs. Then October 2nd came, 22 days before board, on a random Tuesday, biglang nakipag break yung 4 yrs RS ko :)) I blamed him, sabi ko maninira sya ng pangarap. Kasi di ko talaga kaya nun mag-aral, all I know that time is di ko talaga kaya abutin pa nun lisensya ko. He shattered my dreams, yung dream na para rin sa future sana namin. 3 weeks kong gabi gabi suot nun yung rosary ko, hawak hawak ko palagi pag natutulog ako. Begging God that He takes away this pain, to sustain me and give me focus sa remaining days. Wala akong ibang pinag kwentuhan ng nangyari, I kept it all by myself kasi ayokong i-blame ng iba yung ex ko, haha ganun ko sya kamahal. Until now, di ko alam yung rason ng biglaang pakikipag break nya kasi wala namang away na nangyari talaga. Hirap din kasi wala ring mapaglibangan nun, aral lang talaga magagawa kaso hirap din. Ang lapit lapit ko na kasi nun sa lisensya ko pero naging blurry na yung road para sa akin. Sobrang hirap mag-aral at magsagot ng final PB’s nun. It took my focus away pero di pa rin ako nawalan ng pag asa every night na matutulog ako at every day na magigising ako na sana bigyan ako ng focus sa panibagong araw na kakaharapin ko at hoping na it gets better everyday :) Then ito ngayon, CPA na ako. Hindi ako pinabayaan ng Diyos. Gusto ko lang iparating sa inyong lahat na kahit ano mang pinagdadaanan natin, sa Diyos lang tayo kumapit dahil hinding hindi nya tayo papabayaan, all we have to do is to trust in Him. Salamat REO, sa supportive reviewers na di kami pinabayaan since day 1, sa REO reviewee community din, at higit sa lahat, salamat sa Diyos! Hi ex, meron ka ng ex na CPA 👩‍💼 Sana masaya ka sa ginawa mo. God bless you.