REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Mary Joy N. Rivera

Oct 2025 CPALE Passer

Proud anak ng magsasaka, ngayon ay CPA na! Isang simpleng anak ng magsasaka na may malaking pangarap. Lumaki akong sanay sa hirap, pero tinuruan ako ng buhay na walang imposible sa taong may tiyaga, determinasyon, at pananampalataya. Noong sinimulan ko ang CPA journey ko, alam kong mahirap. Mula sa General Academic Strand (GAS) noong Senior High School, I went to college na walang background sa accounting. Maraming gabi ng pagod, luha, at pagdududa sa sarili. Pero sa bawat pagsubok, mas pinili kong lumaban. At ngayon, with so much pride and gratitude, masasabi kong CPA na ako! Isang patunay na hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang mga pangarap.✨ To the REO Team, maraming, maraming salamat po! Hindi lang kayo basta review center, kundi tunay na support system. Sa bawat lecture, quiz, at motivation session ninyo, palagi n’yong pinaalala na kaya namin, na hindi kami nag-iisa sa laban na ‘to. 5 months pure online review sa REO, pero sobrang powerful ng mga balang ibinigay para sa board exam. Thank you for being part of my journey and for helping me turn this dream into reality. 🙌 Para sa mga future CPAs, laban lang ng laban, because nothing is impossible with God! 💛