REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Leogen V. Coliao

Oct 2025 CPALE Passer

“From dalawang singko to CPA” Hi, REO team. It actually took me 5 years to muster this courage na magtake ng LECPA. I graduated last 2019 sa kursong BS Accounting Technology. Wala na rin akong plan magproceed ng BS Accountancy. However, yung mga kaibigan ko nagproceed sila. So out of peer pressure, nagproceed na rin ako. Pananaw ng iba sa akin, ang talino ko. Little did they know, this course truly humbled me. Nakakuha ako ng dalawang singko na grado. Kaya naman ni-retake ko siya on the next semester. Which I guess, saved by Covid pandemic, napilitan lang ata yung instructor ko na ipasa ako 😅. As the years passed by, wala na rin akong plan maging CPA. Aminado akong hindi talaga strong yung foundation ko sa accounting lalo pa’t ang baba ng passing rate. Pero yung mom ko ang laging nagtatanong kung kailan ako magte-take ng exam. Ang sagot ko palagi ay “unsa may dalian?” (What’s the rush?). But I realized na 5 years na pala. I scanned our yearbook nung BS Accounting Technology graduate pa ako. Tas nakita ko graduation pic ko na napagitnaan pala ako ng mga CPA na. Ayun na pressure na naman. Nagdecide ako mag enroll sa Batch 8 (online reviewee) kaso di ko siya nagamit talaga— di ko ma-manage time ko sa work. I enrolled sa batch 9 last January (Online Reviewee). Purely prerecorded ako nagfocus. Yes overwhelming siya kasi sobrang haba ng vids. 3 subjects lang ang natapos ko nun but I still took the May 2025 LECPA. Indeed, yung subjects na natapos ko yun lang din ang naipasa ko. That experience give me more courage na kaya ko naman pala. So nag enroll ako ulit sa Batch 10 (Hybrid na). But di ko na inopen yung pre-recorded videos. Nagfocus na ako sa live lecture. During preboard nakita ko yung progress ko at nasabi kong live lecture lang pala sapat na. Kaya thank you so much REO. Sobrang dami kong natutunan.