REO Testimonials

Real Stories, Real Results

We believe that, with your dedication and our reviewers’ expertise, you will be ready for the board examination.

REO CPALE Review Program

Da Vinci Dianne O. Casimiro

Oct 2025 CPALE Passer

Una sa lahat maraming maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng REO mula sa mga mahuhusay na reviewers at mababait na staffs salamat po sa inyo, 11 years after graduating matapos ipunin ang lahat ng lakas ng loob at pinansyal sinubukan kong mag take ng boards, mahirap, dahil di ko na maalala ang mga lectures at dagdag pa isa po akong working solo parent at breadwinner, Sa kabila ng muling pag aaral sa review hindi umabot ang grades na nakuha ko at hindi po ako nakapasa, masakit pero kailangan kong buuin ang isip ko dahil ito ang pangarap ko pangarap na matagal naitago, naisangtabi para sa mas mahalagang mga bagay noon ang kumayod sa araw araw para sa pamilya,, pagkatapos ng ilang araw na pagkalugmok ay nag decide po ako na mag enroll sa REO at ilaban muli ang mga pangarap ko, dahil sa unang pagbagsak ko, ginamit ko ang mga pangkukulang na naisip ko para i improve ang study habits plan ko. Sa una nalula ako sa handouts na nakuha ko kay REO grabe ang dami haha napaisip ako seryoso ba na ganun dapat karami matatapos ko kaya yun? Pero na challenge parin ako at sinubukan ko nung nag start na akong maglive lecture ay na amaze ako sa mga reviewer haha grabe po na para bang ang dalidali lang ng mga problem ika nga ni sir Karim "no brainer" hahah pero pag ako nalang napapa no brain talaga ang dami pong options dito sa REO na talagang nagustuhan ko dahil nga online lang at working reviewee po ako need ko po yung swak sa learning style ko nagamit ko po ang prerecorded sa mga super nahihirapan ko pong subjects at live para sa lahat po ganun din napakaraming approach gaya sa tulad kong visual learner mahuhusay po lahat ng reviewer grabe pwede naman pala na maging ganito kasaya mag aral ng accounting at sobrang laking tulong din po ng mga quizers as in REO lang sobra sobra pa! Sa totoo lang di ko po gaano nagamit ang quizers kulang po kasi sa time at mag quick vids pa na nagamit ko pang recall bago mag final preboards.. Super hangang hanga po ako sa mga materials na binigay nyo po sa amin napaka husay ng pagkakalatag ng REO review sabayan pa natin ng sipag, dedikasyon, displina at paniniwala sobrang laking gaan po di po gaano na ngarag sa 1st & 2nd day tiwala po ako na napag aralan ko po yun dito pero nung 3rd day po bago pumasok sa testing center naiisip ko naiingit po ako sa ibang school na napuntahan at nakita nila yung mga reviewer natin tapos kami sa arellano waley hahaha pero nung nag lalakad na po ako shocks nakita ko po agad si sir Rex OMG sobrang saya po ng puso ko na para bang nabigyan ako ng sign na wag ako mag alala sir Rex na yan ohh hahaha kinamayan pa po ako at nag Goodluck grabe jackpot talaga!! At ayun na nga sa wakas ipinag kaloob na sa akin ng Ama ang minimithi ko pong tagumpay,. Maraming maraming salamat po sa pagiging bahagi ng CPA journey ko isang karangalan na hinding hindi makukuha sa akin nino man at proud po akong maging isa sa mga REO babies!! PPPPOOoOWWWWEEEERRRrR!!! nawa po ay mas marami pa po kayong matulungan at mas lumawak pa po ang inyong serbisyo sa mga katulad naming pilit na inaabot ang mga pangarap sa kabila ng matitinding hamon sa buhay,,, MABUHAY po kayo!! Mahal kong REO